Showing posts with label Something About Feelings. Show all posts

Thursday, August 21, 2008

Wake up!!!

Posted by WELLA at Thursday, August 21, 2008 3 comments

Ay ano ba yan... isang buwan na naman nakatunganga ang blog ko. Mabuti na lang at libre ito or else sayang naman kung wala man lang ako mailagay. Eh pano wala naman kase exciting and interesting na nagaganap sa araw-araw na nangyayari sken noh. Well of course aside from sobrang gastos ko lately kase panay shopping namen magjowa kase nga its time to buy stuffs na ipapadala sa pinas. Papahuli pa ba ko, sympre meron don na para sken din. 3 footwear lang naman ang nabili ko ngyong buwan na ito. Pero ok na rin kase buy one get another pair for 1/2 the price.. so pwede na rin. Tapos eto next month, kukuha na ko ng drivers license dito. Actually Im already driving here, kase acknowledge naman nila ung dl ko sa pinas, thou ayaw pa rin ni Nikky na ako lang mag-isa.. scared pa rin sya for me. So hopefully eh makapasa ako, para I can buy my own car na... shetttt another gastos! Trip kong car ung VW beetle... para di mahirapan sa pag-park kase maigsi lang... hahaha!

Anyway, kaya rin pala nagpost ako ngayon kase gusto ko lang i-share ung naramdaman ko nung napanood ko 'tong video na 'to. Yung wish ko lang ung paki-click nyo. I love watching "wish ko lang". Nung nasa pinas ako, pag wala akong gimik, kase nga every saturday afternoon 'to, I really watched it. Kung gusto kong umiyak na walang effort, iiyak talaga ko with matching sipon! promise talaga! Walang pakielamanan... di ako nahihiya kase mommy ko and sister ko, naiyak din sila eh. I remember nung 1st time kong panoorin ung "Magnifico"... ay shet na malagket talagang heavy! Mukhang garfield na ung mata ko sa maga.

Ok back to wish ko lang. Etong video na pla na ito, was about 2 old men na walang hinangad kung di ang kumita ng pera mairaos lang ang pang- araw araw lang nilang pangangailangan. I just can't imagine at the age of 82, nakaya nyang lakarin from baclaran to ortigas. Pucha ako nga, simbahan nga ng baclaran pagod na ko lakarin yun eh, isama mo pa ang libutin ko ang buong Mall of Asia... pucha suicidal yun para sken noh. Pero si Lolo, hayyy... hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Ayaw kong maawa kase kung sila nga gumagawa sila ng paraan para di sila kaawaan eh. Sa totoo lang, mas maraming maedad dito sa America na until now nagwowork pa rin sila. Retired na sila but still they want to work.Basta kaya pa nila, go lang ng go. Aside from earning extra income, mas feeling nila tatanda sila kagad kung nasa bahay lang sila. Dapat nga yung mga katulad ni Lolo ang binibigyan ng opportunity kase makikitang mong hardworking and dedicated sa trabaho. Di katulad nung iba, wala lang nakaupo lang, pindot pindot lang sa mga computer nila, pero tanungin mo tungkol sa trabaho nya.. walang alam. Discrimination din yun ah. Hayyy.. magbabago pa kaya ang Pilipinas? Oi ang emote ko naman daw... ok shut up na ko.

Saturday, April 26, 2008

Nainis na biglang natuwa

Posted by WELLA at Saturday, April 26, 2008 4 comments

Nainis ako kase, if you remember I posted not so long ago about my problem with the other tenants here, specifically in using the washer & dryer. It happens again. Just to let you know, inoorasan ko ang labada ko, 45 minutes sa washer then an hour sa dryer kase gusto ko ifold kagad then lagay sa cabinet. Ang alam ko ako lang ang naglalaba that time, kase all washers are empty. So after wash, nilagay ko na sa dryer. Time to pick up our clothes. Before I entered the laundry room, I heard the machine is still on. So pumasok ako and I saw the machine sa taas (2 machines ang magkapatong), umaandar pa rin, and yung machine sa baba naka-stop na (I used to machine kase small capacity lang). Until I saw our dry clothes na nasa countertop na. Pucha naman!!!!! Mga walang modo!!!! Sa lahat ng ayoko yung pakikielaman ung gamit ko especially di ko naman alam kung malinis ba yong pinagpatungan na yun. And to think meron namang bakanteng dryer... jusko naman nagtipid pa sa 25 cents. Bwisit talaga. Ako as much as possible nagtitimpi lang ako, pero kung umandar ang pagiging mahadera at demonyita ko, bubuksan ko ung dryer, ilalabas ung mga damit nila sabay sarado ng dryer, hanggang sa matapos umandar para pagbalik nila hindi natuyo ung damit nila then maghuhulog sila ulit ng 75cents para matuyo ung damit nila, para lalo silang napagastos. Kaasar! Sabi nga ni Nikky bat ko raw di nagawa, kase sabi ko may tinatawag na Karma. Pero I'll report that to our apartment manager and tell her na twice na nangyayari sken yun and suggest na gawin na ring $1 lahat ng machine para walang gulo.

On the lighter side, kinalkal ko ung wallet ni Nikky. Nagpaalam naman ako . May hinahanap kase akong old picture ko, then I found this small paper, medyo gutay gutay pa. When I read whats written there, super natawa talaga ko. E pano nakalagay ba naman ung name ng parents ko. Lalo na ung maiden name ng nanay ko. Ay kaloka talaga. Sabi ni Nikky para daw pag nag-usap kme sa phone, pag tinanong ko sya alam nya. Bobo kase si Nikky when it comes to memorizing names. 5 kmeng magkakapatid, 11 years na kmeng magkakilala, ngyon lang sya nafafamiliarize sa mga names. 1 week kme sa New Jersey with my tita. Pag nagkukuwento ako about sa tita kong yun, sino daw yun... baliw talaga. Minsan may instances na, pag nakita namen sa mall ung kakilala nya, di mo na sya magpapakita kase inaalala nya ung name... may sanib!

May mga tao talagang mahina sa names, pero minsan inaaway ko talaga si Nikky kase feeling ko hindi sya interested sa mga kinukuwento ko about my friends, na di nya inaalala. Kaya nga ako paulit ulit akong magkwento about them para tumatak sa kokote nya.

Wednesday, April 09, 2008

Maemote ka ba?

Posted by WELLA at Wednesday, April 09, 2008 1 comments

Ayan, hindi na nakafirewall ang mga personal website dito sa office kaya libreng-libre akong magpopost ngayon, habang tumatambay at naghihintay na susunod na gagawin .

Ok about my title, tanong ko lang kung maemote ba kyo either your inlove or isang sawi . Bat ko natanong, wala lang... wala lang kase akong mapost... nyahaha Well actually there's no reason at all kung bket ko natanong. Naisip ko lang bigla kase eto ako ngyon kasalukuyang nakikinig sa ipod ko at pansin ko puro mga pang broken hearted yung mga songs ko.

If i will answer my own question, mas maemote ako pag broken hearted. At talagang emote ha... e pano imbes na magpatugtog ako ng mga happy songs, nakikinig ako ng mga pangbreak-up, tapos sabay nagseself-pity with matching tears pa, super isip kung bket sya nakipag-split, what's wrong with me, may mga hirit ka pang maririnig from the guy na, its me not you... wahahhaa... lovely!!! tapos maya-maya, ok na ko, telling myself na its not my lost... hanep, strong daw ako! at di pa natatapos yan, ichecheck ko ung phonebook ko kung sino pwedeng tawagan, naghahanap ng shoulder to cry on... at sympre kailangan ng mga words of wisdom. Pag ok na ko, nag-iisip na lang ako ng mga bad traits nung guy para di na ganon kasakit... pero infairness, madali akong magheal at the same time di ako masyadong nakukrung-krung sa sobrang kaemotan.

Kase pag-inlove ako, hindi ako nakikinig ng any songs na pwdeng maka-relate sa nararamdaman ko... as in wala. Basta alam ko masaya ako. I shared my happiness with my friends pero not that detailed unlike pag sad ako.

Pero ngayon, di na ganyan ang emote ko... ibang emote na ang pinapakita ko sa asawa ko

Saturday, February 09, 2008

Pinoys Abroad

Posted by WELLA at Saturday, February 09, 2008 2 comments

I became more interested with the stories of Filipinos working and living abroad, now that Im one of them. I found this article in GMA website.

Totoong buhay ng Pinoy sa Amerika

02/01/2008 | 05:48 PM

HAY BUHAY AMERICA TALAGA

A friend named "Maeng Ni" posted this. and dinag dagan ni "Li2 B"...
Lahat ng sinabi niya nakakatuwa at totoo.

Akala ng mga tao na nasa Pilipinas, kapag nasa America ka akala nila marami kang pera. Ang totoo, marami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kasi pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga Kano . Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.

Akala nila mayaman ka na kasi may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America.

Akala nila masarap ang buhay dito sa America. Ang totoo, puro ka trabaho kasi pag 'di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kasi busy din sila
maghanap-buhay pangbayad ng bills nila.

Akala nila masaya ka kasi nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kasi nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong
pinangbayad sa ticket.

Akala nila malaki na ang kinikita mo kasi dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pag pinalit mo ng peso, pero dolyar din ang gastos mo sa America. Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin.

Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America, ang isang pakete ng sigarilyo sa Pilipinas P40.00 , sa America $ 6.50. Ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000++.

Akala nila buhay milyonaryo ka na kasi ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo.

Maraming naghahangad na makarating sa America. Lalo na mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pagdating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng America.

Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.

Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang
mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas.

Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan at karagdagang kaalaman sa mga naiwan naming mahal na mga kamag anak at kaibigan na hindi alam o naiintindihan ang totoong kalagayan ng karamihan ng mga kababayan natin dito, na ang iba sa amin ay nakaranas ng pang aabuso at kawalanghiyaan ng mga sariling kamag-anak na kung saan na dapat silang mga nauna dito sa America ang tutulong sa mga bagong salta.

Isa na ako at ang buong pamilya ko na pinitisyon ng mahal kong yumaong ama. na ang sarili kong nakakabatang kapatid na naunang makarating dito sa America na inaasahan ko at ng aking pamilya na tutulong sa amin sa mga bagay-bagay na dapat at hindi dapat gawain dito sa America, at sa halip, s'ya pa ang nagpahirap sa amin dito na halos maisipan ko na bumalik na lang sa Pinas.

Kung idedetalye ko ang lahat lahat ng paghihirap ko sa kamay ng sarili kong kamag-anak (kapatid) dito sa America, siguro lahat ng masasamang salita sa languwahe natin e, mabibigkas n'yo sa kanya.

Sana naman 'yung mga kababayan namin na naiwan d'yan sa Pinas, Huwag naman sana kaming pag-isipan na hindi na kami nakakaalala sa kanila o pinabayan na namin sila at kami dito ay nag papakasasa sa dolyar at karangyaan.

Marami ding naging successful dito sa America. Pero sana ISIPIN DIN N'YO NA MARAMI DIN DITO NA HINDI RIN NAGING SUCCESSFUL SA BUHAY. Mas maraming malungkot na pamilya dito dahil sa malayo sa mga mahal sa buhay at nagsisi sa pagpunta dito.

Nakakalungkot isipin ang mga media, mas binibigyan ng pansin ibalita sa mga kababayan natin d'yan sa Pinas ang mga nagiging sikat na Pinoy dito. Mas matimbang sa kanila ang ibalita sa inyo ang mga magagandang aspeto dito sa America.

Sana maging patas sila sa paghahatid ng mga katotohanan sa kalagayan ng mga Pinoy dito sa America. Kayong mga higanteng mamamahayag sa Pinas, tinutukoy ko ang ABS-CBN at GMA. Hinahamon ko kayo na patunayan ninyo ang mga palagiang patalastas ninyo na patas kayo sa pamamahayag ninyo lalong lalo na sa katotohanan.

"Ewan ko..!!!!" Noon, Gobyerno, Politika at Batas natin ang madalas na napipintasan.. Pero ngayon iba na.. Merong pagbabago, ano ito? Hindi lang Gobyerno, Politika at Batas. Pati ang Media ng Pinas ngayon ay napipintasan na rin.

Dahil sa mga palpak at walang kabagay-bagay na balita. O, at least me-pagbabago, 'di ba?

Anong pakialam namin sa mga rating n'yo. 'Di ba pera-pera lang 'yan . Ang pagtuunan n'yo ng pansin 'yung mga taong naaaragabyado ng ibang tao at GOBYERNO natin... Sana lahat kayo kunin na ni LORD...!!!!

Galinggan n'yo ang pag-survey dito sa America tungkol sa katotohanang kalagayan ng mga kababayan natin.

Manny Buenafe

I can't agree more.

Friday, January 11, 2008

Being moody...

Posted by WELLA at Friday, January 11, 2008 4 comments
Lately, sobrang moody ko. I'm very sensitive. Like last night, Nikky went out with his co-workers. We're both ok to go out with our friends alone, but this time, ayoko tlgang syang paalisin. But still umalis pa rin sya and enjoy the night. Sa sobrang sensitive ko, I cried. Ang OA pero ewan ko ba. Napaka-emotional ko tlaga. Gusto kong batukan sarili ko kase ang arte ko talaga. Kaasar! Tapos eto na yung naisip ko na, dati niyaya nya ako to join pero this time hindi. Sabi ko gusto ko sumama, pero parang deadma lang sa kanya. Dati pag ako ang nagyaya na mag-bar kme, ayaw nya. Sobrang badtrip tlga. Sa sobrang krung-krung ko, di ko sya tinabihan sa pagtulog. Well, aside from di ako makatulog because he snores, eh ang hirap talagang matulog pag inis ka sa isang tao na katabi mo. Pero tinabihan ko na rin sya, ang hirap matulog sa sofa... hehehe. I know Im being so unreasonable. Di naman sya malimit lumabas and besides ako rin naman ang may gusto na magkaron sya ng social life. Ang bad ko kase di ako nagreresponse when he says "i love you". Pero I don't have any intentions na di magreply. Hayy... PMS lang 'to. Ang hirap maging babae!!!!

Sunday, October 14, 2007

Samut-sari

Posted by WELLA at Sunday, October 14, 2007 4 comments
I can't think of a title for this post kaya samut-sari na lang, tutal halo-halo naman ang ipopost ko.

Ay naku, its been a week na rin di ako nagpost. Aside from wala naman unusual happenings eh kinatatamaran ko na rin. E pano maghapon na akong nakababad sa pc, masakit na daliri ko no! Pero sympre from time to time eh kailangan ko na rin mag-update, lalo na new design na naman ang blog ko.

What keeps me busy? Watching Meteor Garden Season 1. Yes. I ordered it from ebay, so marathon ang drama ko ngyon. Sympre namiss ko si Jerry Yan. Hehehe. Until now e im still practicing my driving. I enrolled a driving lesson in Pinas, got a license pero that was before I left. Madalian in short. I know madali lang since automatic naman ang car dito, pero sympre I still need to practice especially reverse parking and hopefully before winter, I can get my state license.

Speaking of winter, I got an email from my aunt in California. She was asking me if we can go to New Jersey again and celebrate the holidays with them and the rest of my relatives. Too bad, one of my officemate was on scheduled vacation on holidays so I can't make it. Even my husband. I was kinda sad coz its been a long time since I haven't seen my aunt. I think the last time we see each other was year 1993. Lalo na dito sa states, wala naman silang long vacation, unlike in Pinas, almost 1 week walang pasok during christmas season. Thats what I missed there. Imagine first time akong papasok on my birthday (dec. 24). Eh in Pinas, on that day all of us were so busy preparing food for Noche Buena. So di naman ako nagpapakasenti noh!

Pero di naman ako masyadong malungkot. Kase sympre kasama ko naman ang asawa ko...

Wednesday, September 05, 2007

Good news!

Posted by WELLA at Wednesday, September 05, 2007 2 comments
First, I already received my laptop just yesterday.. alright!!!! Now ko lang nagamit, kc ung asawa ko e may I configured ng kung ano-ano.

Almost 2 months ko rin hinintay 'to. Madami nga actually nagreklamo sa Dell. Ang reason nila shortage of parts daw. E samantalang super promote sila sa mga ads nila un pala papalpak sila. Dapat anticipated na nila na maraming oorder sa knila. Ung nabasa ko nga sa forum nila, ung iba disappointed kc gift nila un sa mga anak nila this school opening. Maswerte na nga lang ako kse ung may representative ang Mayo Clinic sa Dell, kya may progress ung order namen. Kaya masaya! nyahaha!

Second, kinausap ako knina ng boss ko. She asked me how am I doing with the job, if i like it etc. She appreciated the efforts, and doing my job well done. She didn't regret of hiring me.... and I did my work beyond her expection. Wow!!! It feels good, that somehow they recognized my hardwork. Actually, they're (co-workers) generous of saying "very good", "job well done", and sympre with that kind of appreciation, mas lalo kang gaganahan magtrabaho and no heavy heart pagpapasok, kse mahirap magtrabaho if ur no longer happy sa work mo.

Monday, September 03, 2007

What I miss in Pinas?

Posted by WELLA at Monday, September 03, 2007 3 comments
One of my co-workers asked me out of nowhere, what food do I miss in the Philippines. Hmmm... I stopped and think, thinking of nothing. I guessed its not the food but the things I do back home. When Im bored, either going to friend's house or at the mall just to hang around. Taking a jeep or tricycle, na super dooper haba ng pila. Traffic, khet nakakainis.. its the only time na makapagmuni-muni. Telebabad, na wala naman minsan ka-sense sense ung topic, pero ok pa rin. At ang showbiz, wag isnabin! Sa politics, ay forget it... wala akong alam jan. And of course, my family. Namimiss ko kaya ung mga bangayan namen.. hehehe... wala kse akong kasigawan dito eh.

Speaking of family, eto at namili na kme na ipapadala. Drained na ang bulsa ko.. wwwwaaaa!!!! Ayan, magsawa sila sa Pringles at chocolates... hehehe

Monday, August 27, 2007

This guy is inlove with you pare...

Posted by WELLA at Monday, August 27, 2007 1 comments
Today, very much accepted na ung homosexual relationship. Pero may times na nakaka-shock pa rin when we see them holding hands, cuddling each other etc. Sometimes, we think na pineperahan lang ni macho guy ung jowa nyang badingersi. Nagiging judgemental tyo na di naman dapat kase di naman tyo involved sa relationship nila. Bakit ba tyo judgemental? Concern ba tyo kay badingersi na baka ubusin ung pera nya or talagang initial impression na tlga nten pag nakakakita ng ganon.

After I watched this video, I admired the macho guy for unveiling his relationship with badingersi in national TV pa ha. Hindi lahat kayang umamin na may syoting silang baklush. Siguro un lang ung mga hindi sincere... siguro lang ha.. basta watch this na lang.

Saturday, August 11, 2007

When they get old....

Posted by WELLA at Saturday, August 11, 2007 1 comments
I read this from my friendster's bulletin. As I was reading this, it made me sad. I remember my parents, how I miss and value them so much. This is very touching.

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako
at pagpasensiyahan. Kapag dala ng
kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng
pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag
kainan, huwag mo sana akong
kagagalitan.

Maramdamin ang isang matanda.
Nagse-self-pity ako sa tuwing
sisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi
ko
maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana
akong sabihan ng
"binge!" paki-ulit na lang ang sinabi
mo
o pakisulat
na lang. Pasensya ka na, anak. Matanda
na talaga ako.

Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan
mo
sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-
aalalay
ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man
ay nagiging
makulit at paulit ulit na parang sirang
plaka. Basta
pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana
akong
pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan mo
anak noong bata ka pa? kapag gusto mo
ng
lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin,
maghapon kang
mangungulit hangga't hindi mo nakukuha
ang gusto mo.
Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking
amoy. Amoy
matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong
piliting
maligo. Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit
kapag nalamigan, huwag mo sana akong
pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa?
pinagtiyagaan kitang
habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw
mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas,
ako'y masungit,
dala na marahil ito ng katandaan.
Pagtanda mo,
maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon,
magkwentuhan naman tayo,
kahit sandali lang. Inip na ako sa
bahay, maghapong
nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy
ka sa trabaho,
subalit nais kong malaman mo na sabik
na
sabik na
akong makakwentuhan ka, kahit alam kong
hindi ka
interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan
mo anak,
noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong
pakinggan at
intindihin ang pautal-utal mong kwento
tungkol sa
iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y
magkakasakit at
maratay sa banig ng karamdaman, huwag
mo
sana akong
pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo na
sana kung ako
man ay maihi o madumi sa higaan,
pagtiyagaan mo sana
akong alagaan sa mga huling sandali ng
aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking
pagpanaw, hawakan
mo sana ang aking kamay at bigyan mo
ako
ng lakas ng
loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap
ko na ang Diyos
na lumikha, ibubulong ko sa kanya na
pagapalain ka
sana ... dahil naging mapagmahal ka sa
iyong ama't
ina.....................

Repost it.. para naman malaman ng iba
nating friends na mahirap maging
magulang..

Friday, March 02, 2007

Korean Novelas Rocks!!!!

Posted by WELLA at Friday, March 02, 2007 2 comments
Definitely!!!! Nowadays, im into korean novelas. I bought pirated DVDs... wala lang trip ko lang.. bket ba! Well, aside from Meteor Garden wala na kong nagustuhan na Taiwan TV series.

The reason why I love it because of this cutie boylets! And also the girls, i like their facial expressions. Nakakatawa tlga! Short kwento lang.. natatamad ako eh. Basta ang mga girls dito e lahat mahihirap at mayayaman ung mga lalaki! nyahaha!

Lee Dong Wook from My Girl. He's a heir of a five star hotel in Korea. He met this girl who's good in lying. He hired her to pretend to be his lost cousin to save his grandfather's life.

Hyun - Bin from My name is Kim Sam Soon. He's a restaurant owner. Eto medyo garapal ugali nito. He hired Kim Sam Soon as a baker. Eventually pretended to be his girlfriend so that her mom wont push him to go for blind dates. As usual they end up together.

Daniel Phillip Henny. Oppsss dont forget this man. He's a doctor here. He's from the US in a series and also in real life.

Lee Dong Gun from Lovers in Paris. Sya ung 3rd party sa love triangle, inshort pampagulo lang sya sa buhay ng maglovers. Hehehe. He's also in Sweet 18. He's the investigator and pinakasal sya don sa high school student na pinagkasundo ng mga lolo nila. By the way, they're real couples.

Jo Hyeon Jae from Only You. A restaurant owner trying to save for the sake of the memories of his mother.

Joo Ji Hoon from Princess Hours. He's the crown prince. As usual married an ordinary girl, because of a fix marriage.

Kim Jeong Hoon He's also a prince here. He loves the woman whom the crown prince married.

Wednesday, February 14, 2007

Heart's Day

Posted by WELLA at Wednesday, February 14, 2007 0 comments
Heart - a muscular, cone-shaped organ about the size of a fist, pumps blood throughout the body. Whatever we feel it affects our heartbeat, it beats fast if we're excited, nervous... and it slower when we feel down.

This morning, I saw a lot of people carrying bouquet of flowers. Different kinds, variations, colors, packaging. I was wondering if one of it was mine. I was excited the whole day that my husband will surprise me to give me one. I waited for the whole day. He called up and said that instead of flowers, he sent me money. I appreciated it but I'll be happier if i got flowers. Not because of envy but i think the flower says it all and its been a long time that I received flowers from him. Sometimes, I thought what my mom told me before when Im still single... when we we're already married even a single stem, i wont anymore have one.

On my way home, I saw all the restaurants were fully booked, worst it caused traffic jammed. Grrr... as they say valentine's day is just like a christmas season. Kinda sad that we fought the whole day it really broke my heart. All my expectations ruined. Well, hoping for a good day tomorrow.

Tuesday, February 06, 2007

Nakakapagod!!!!

Posted by WELLA at Tuesday, February 06, 2007 0 comments
Ay naku sobrang pagod ako today. I was on leave kse I had to get a student permit for my driving lesson this coming saturday. Finally, after so many eklat natuloy na din. Then I had to go to the hospital for my ultrasound. Oooopsss definitely in not pregnant. Basta I need this. Its painful than before actually. The first one, d naman ganon kasakit.. but this one, ay naku panay ang ouch ko... and mejo matagal. I hope that its not bad. Then lastly, I workout... and this time its a group exercise. Grabe, 2 hours ako nag group exercise. Nakakapagod promise! pero enjoy naman... kya lang di ko lang gusto ung abs kse til now masakit pa rin abs ko due to my crunches last saturday. Maybe i should stop from this muna... weights na lang. Sobrang hiningal tlga ako! I'll try it again pag ok na ko. Until now i still feel na naiipit ung abs ko.. hhhmmm.. maybe its working... hehehe!

Thursday, February 01, 2007

Sweet dreams...urghhh!!!!

Posted by WELLA at Thursday, February 01, 2007 0 comments
I had a sweetest dream last nayt. I made out with Jerry Yan! wohuuu grabe na tlga 'to.. the highest level. Our kiss was so passionate, very gentle. Then nung papunta na kme sa part na un... ay nawalan ng gana ang lola mo... kse ang size ng tutoooottt eh im sure no satisfaction guarantee... damn it!!! ok na eh bglang sumablay pa! Imbes na romantic ang scenes naging comedy pa... anak naman ng amp!!! wala na.. nagising na ko! Well atleast in my dreams nahalikan ko na sya... malay na lang bka magkatotoo... ay why not, khet kiss na lang payag ako! nyahahaha!

Mamayang gabi.. ok na kaya! *wink*

Friday, December 29, 2006

Antuking nilalang!

Posted by WELLA at Friday, December 29, 2006 0 comments
Ay Im still awake! Pano maghapon akong tulog! sobrang takaw ko tlga sa tulog! Imagine I woke up around 9am, then i watched tv, maya-maya tulog na ko.. i woke up cguro mga around 2pm. I ate my late lunch, then after that I watched again.. ay sus tulog na naman ako.

Sa ilang beses akong nakatulog, ang dami kong napanaginipan. Like I was crying daw kc ayoko pumunta ng States kc ang panget ung magiging buhay ko don, that Im gonna miss my family so much... sobrang mahohomesick daw ako. Na super worried ung husband ko, kc di nya lam kung ano gagawin just to make me feel better.

Speaking of that family thing... minsan sumagi sa isip ko na gusto ko na magka-baby. Thou i know its not yet time to have one, but sometimes i thought why not di ba.. bat pa namen patatagalin. I have friends who are expectant moms and already moms. Im inggit lang kse they're so proud to their kids and how their husband take good care of them when they're still pregnant.. something like that. Minsan, I was watching tv and this husband was so happy carrying their new born baby. Hayyy... I know someday it will come.

As usual meron na naman akong negative thoughts about it. Knina sa news, namatay ung mom after she gave birth. According to the doctor, its some kind of infections kya natigok si mommy and so sad kse may bukol sa may neck ung baby and its congenital. I was praying na sana this wont happen to me. Sabi nga nila, pagnanganganak daw, ung isang paa nsa hukay na. Naku kung ano-ano na lang naiisip ko..matutulog na ko!!

Thursday, December 28, 2006

Changes in Me!!!

Posted by WELLA at Thursday, December 28, 2006 0 comments
By the way, before I post my thoughts here.. sangkaterbang koneksyon ang ginawa ko... mas mabilis pa sa dial-up.. my gudness!! PLDT is having a technical problem... normal! Dapat knina pa ko tapos eh... wish ko lang mailagay ko lahat ung gusto kong sabihin...

Okay here it goes... Its been 11 months to be exact since I got married. I believe in some ways, Im beginning to be a responsible housewife.. thou di pa ganon since my hubby is not here so I dont know if Im doing good. I cook, do some groceries and even budgeting to pay the bills (my parents were no longer working). I hate cleaning pero sympre I have no choice i have to do it.

Hmmm... i guess matured na ko.. imagine when I was still single, every weekends especially friday and saturday, Im always out with my friends, tambay sa coffee shop, bar hopping at kung saan-saan. But now, i still do pero very seldom na tlga. Kase siguro meron na kong responsibilties and nagsawa na rin ako.

Apart from this, meron din naman di maganda nangyayari sken.. Im sobrang selosa, inggitera (oh well dati na!)...dont know why... Nakakainis ah! Ay naku before, I dont care if my husband were hanging out with his friends specifically girls, making kulitan with them... But now.. ay sobrang naiirita ko, even sa picture magkatabi lang... ayoko!!!! Sobrang badtrip talaga... sobrang inaaway ko sya. I dont like to be that way, kse ano pa ba e mag-asawa na kme.. and I know he loves me very very much but still eto ako praning na naman. Is this some sort of "Seasonal Depression"? I miss him that much kaya ako ganito? Di naman ako O.A.? Whatever it is.. ayoko ng ganitong feeling promise!! New Year na no... change for the better!!!! wwwaaaaaa!!!

Monday, November 06, 2006

My guy strikes again

Posted by WELLA at Monday, November 06, 2006 0 comments
Im so much inlove with this guy talaga... If there's a chance to see him, I'll never have a second thought to have a child with him! nyahahaa!! abnormal ba ang dating?!!!

See he'll become a very responsible father.. LOL!

He can carry himself tlga wearing pink shirts.. its not baduy!

Hay eto na naman ako... starting thinking about him again!!! Thanks to my group for the pix..

Friday, September 22, 2006

Thank God its Friday!!!

Posted by WELLA at Friday, September 22, 2006 0 comments
Yipee!!! Its friday once again... i can stay up late! Pero not that late kse knina pa ko inaantok pagkagising ko pa lang kninang umaga... hehehe... di ko na ikkwento about drivers... besides tapos na naman yun... di naman sya gaanong nakakairita kya pass na naten oki...

I dont know kung anong gagawin ko bukas... maybe play badminton.. so funny kse i bought this badminton racket, ung mura lang ung binili ko kse di ko naman kakaririn ang pagbabadminton... anyways, i bought 2 pra tig-isa kme ng sister ko... cguro nabili ko sya 2 months ago... at take note until now d pa namen nagagamit, at nsa plastic pa, as in with matching receipts attached... harharhar!!!! naku wish ko lang e bukas sipagin ka maglaro...

hhhmmm... wat else??? hhmmm.. manicure and pedicure with footspa.. i have my own foot massage and manicure set, i bought nail polish kya feel kong magpaka-kikay bukas.. wish ko lang e sipagin ulit ako...

after that, go to my cousin's place in makati... na wish ko na lang ulit e sipagin akong umalis... sa ngyon tlga, im so tamad na mag-aalis unless kailangan. wala na kong social life... no parties, no tambay modes.. wala na.. its my choice na rin naman kse.. kse iba na nga ang line of work ko so i have to take a rest tlga, and reserve the energy for the next day.. dont get me wrong hindi naman ganon ka stressful ang work ko... its just that na sometimes na nakakasawa lang tlga...

so pano ito na lang muna... umiral na ang katamaran ko.. at pwede na ko magising ng tanghali! hehehe! gudnayt!!

Tuesday, September 19, 2006

What can i say

Posted by WELLA at Tuesday, September 19, 2006 0 comments
Oh well, i have nothing to blog about. Same old routine everyday, work, home... vice versa. Oh so busy in researching about US immigrations. I havent said it here that my petition has been approved (see my wedding blog for the story). Its very tiring compared to preparing for our wedding thou the latter was more stressful. I have to take down notes, kse the forms are very confusing... promise... from A-Z ang visa type nila. visa pa lang yan.. wat more pa kya ung mga ibang forms to be filled up in your said category. We have to be very careful with the informations kse konting palpak lang, abot-abot ang delay ng pagpprocess. Thou in our case, d naman matagal, nsa timeline pa rin ng processing time ng national visa center. Its a case to case basis tlga, swertihan na rin in short.

Hopefully matapos na 'to.. i wanna be with my dear hubby na... imagine almost everyday he called me, he feels so lonely.. awa naman ako.. di sya ganon kse as much as he can control himself he will. knowing a $10 everyday he spent for the callcards, ipapang-grocery na lang nya un.. pero he always say na ako naman ung kausap nya...aaawwww... cross fingers and toes!!!

i think, im not gonna have a good week. why?? because of the drivers.. i'll make kwento na lang tomorrow..

Thursday, September 07, 2006

Bawal ang magkasakit

Posted by WELLA at Thursday, September 07, 2006 0 comments
Ay naku, sakitin akong ngyong panahon na 'to.. at 2 pang klase ng sakit.

CASE #1: Nail Infection
A few weeks ago, i noticed na ung nail ko e may white color... i mean parang mahaba pero hindi since d naman ako nagpapahaba ng nails, so may i cut the nail naman ako.. pero taka ako kse super pudpod na sya.. promise. Tapos after how many days, meron na naman.. so parang nauupod na sya.. buti na lang cute ang aking mga fingernails kya ok lang na pudpod ang kuko.. kya lang ang panget kse nga may puti... so nagpacheck-up ako last tuesday, nagpa-lab test ako.. kung meron fungal infection.

Bumalik ako knina para malaman ung result.. negative naman daw pero since my doctor sees na meron, nagprescribed sya ng gamot... nung pumunta ako sa mercury to buy that drug... hala 158php lang naman ang price nya.. at each un ha.. and i have to take it 2x a day, tapos 1 week per month, e 2 months ang kailangan... so lumalabas na gagastos ako ng 4K para lang sa gamot na 'to! my gudness!!! Pero sabi naman ng aking doctor, babalik naman sa dati ung nail after 6 months! nyek!! buti na lang d masagwa tgnan.. ang panget naman kung lalagyan ko ng nail polish.. hehehe..

CASE #2 : LBM
Eto di ko lam kung nag-lbm ako.. pero hindi eh... sympre since nsa Makati Med na rin lang ako.. lubusin ko na ang pagpapa-check-up. Nakakaloka kse 3 doctors sila na nandon sa clinic.. so feeling ko nagdedefend ako ng thesis ko.. at mga panel ko sila.. nyahaha! sabi bka may nakain lang ako ng dirty... hayyy... so prescribed ng antibiotic... susmio ang mga presyo naman, ung isa nsa 80+, at ung isa nsa 90+... hayyy... pero kailangan gawin.. pra lang gumaling...

Lessoon of the story: MAHAL NA TALAGA ANG MAGPAGALING!!!!

Just a thought Copyright © 2009 Girl Music is Designed by Ipietoon Sponsored by Emocutez