Showing posts with label Something About Whatever. Show all posts

Thursday, March 03, 2011

Sabi na eh!!!

Posted by WELLA at Thursday, March 03, 2011 0 comments
Sabi ko na nga ba eh.. after a year ko na naman ma-uupdate 'tong site ko... ang galing-galing! Masyado na kase akong busy sa facebook, kakalaro ng zuma and bejeweled! Hahaha!

Eh ano na ba ang mga kaganapan sa mga buhay buhay namen since last year... wala!!! hahaha! Ay isa na pala akong ganap na Amerikana... hehehe... So sa aking application form ko... Citizenship: US! Nakanang! Lupet! Pero proud to be Pinoy pa rin ako... at lagi kong hinahangad na talagang makauwi ulit ng Pinas... pero baka mga 5 years from now pa yun dahil ang priority ko eh makuha ko ang aking mga magulang... bket nga ba di ko pa sila makuha??? Eh kase naman yung tatay ko, pampagulo... mali yung birthday nya sa birth certificate nya... well di ko naman sya masisi, dahil nung panahon na pinanganak sya, eh don pa lang ata na-iimbento ang typewriter! hahaha! Medyo mahaba haba rin ang proseso kase nga kailangan ito ikorte! Your honor!

Excited naman ako sa mga trips namen this year, sa summer go kme sa Chicago and South Dakota then sa fall season, Viva Las Vegas!!! Ayan makikita ko na yung mga Bella Dancers na sa GMA Supershow ko lang napapanood! Hahahaa! Sympre picture picture to the max!

Another goal for this year is of course having a baby! May kahirapan din pala... kala ko matapunan lang ako ng brief ng asawa ko, jontis na ko... hahahha! Pero we're not losing our hopes! I believe its in God's time... Amen!

Tuesday, April 27, 2010

Anong petsa na???

Posted by WELLA at Tuesday, April 27, 2010 0 comments
Ok so tama ba namang almost a year na nakatiwangwang etong blog ko. Kung kahoy lang 'to malamang inanay na! Hindi naman sa wala akong maikwento, actually sangkaterba nga ang kwento ko kase nga napakadaming kaganap sa paligid ligid. Kaya here, I am back to blogging world!!!! Oo na alam ko na sinabi ko na yan dati.. last year lang naman un! hahaha! But I'll try my very best, as in my best to catch up. From our vacation to pinas, my miscarriage , at kung ano-ano pa ang latest! Hanggang sa muli

Saturday, February 28, 2009

Tag: Nueve

Posted by WELLA at Saturday, February 28, 2009 3 comments
Tagged by Yen-Yen... one down more to go! hehehe!

NINE Ways To Annoy Me

1. Keeps me waiting... ako lang ang may karapatang ma-late! hahaha!
2. Saleslady (in Phils.) who keeps on following me while doing my window shopping... mukha ba akong shoplifter??!!!
3. I hate ladies who dont tie their hair while in the jeep tapos matatabunan na ung mukha ko ng buhok nila.. asar talaga!!!
4. People who hang ups the phone without saying goodbye!
5. Makulit na hindi na cute ang dating... sarap sakalin!
6. Mga taong kala mo google sila... in short mga know-it-all people!
7. Mga nakikielam sa gamit ko lalo na sa buhay ko!
8. People who can't accept their mistakes.
9. Walang sense kausap... waste of time!

EIGHT Ways To Win My Heart
1. Mayaman! hahaha... meaning marunong sa pera... ashussss!!!
2. Sense of Humor... as in humor talaga na mawawala poise ko sa kakatawa
3. A good speaker and a good listener. Balance lang para di nya ako ma-overpower sa kadaldalan, ayoko non!
4. Clean nails... basta pag malinis ang nails alam kong good hygiene sya.
5. Na ako lang ang maganda sa paningin nya
6. He'll do everything just to make me happy... ang ganda ko!!!
7. Supportive.
8. Who loves my family the way he loves me! aaawwww!!!

SEVEN Things I Want To Do Before I Die

1. Travel the world, khet 1 country in each continent pwede na..
2. Make sure my kids have a good future
3. A grand vacation with my whole family
4. Go to Disneyland... lahat ng Disneyland baka kase may big difference eh.. hahhaa
5. Have a dinner/memorable date with my husband... sabihin ko wag na syang mag-aasawa ulit... hahaha!
6. Try some extreme sports... tutal mamamatay na rin lang ako eh
7. Be alone and ask for God's forgiveness... sympre isusure ko na sa heaven ako mapupunta.. hehehe

SIX Things I Need
1. Kwarta!
2. A new pair of eyeglasses
3. A new cellphone
4. Cellphone
5. Cellphone
6. Cellphone... wala na kong maisip!

FIVE Things I'm Scared Of
1. Sadako
2. any kinds of rodents
3. Criminals
4. Be alone in a dark room
5. Maniacs

FOUR Favorite Things In My Room
1. Bed
2. TV
3. Vanity area
4. Closet

THREE Things I Do Everyday
1. Kumain
2. Maligo
3. Matulog

TWO Things I'll Always Cherish
1. Family and Friend
2. My life

ONE Confession I Must Make
1. Im a mommy's girl! Kaya nga laging kong inaaway nanay ko eh... hahaha!

Tuesday, September 30, 2008

Di ako bakla...

Posted by WELLA at Tuesday, September 30, 2008 0 comments

Babaeng bakla... oo! Anyway, just wanna share this article from John Lapuz. Before that, FYI, I have a sister (full blooded), 2 cousins (from both sides) na tibo, t-bird or tomboy. Meron silang live-in partner, well except for my sister kase nasa abroad ung jowa nya. Kwento saken ng mommy ko, yung ate kong yun maliit pa lang talagang hate na magsuot ng dress. When she was in highschool, tuwing uwian daw laging naka t-shirt and maong.. in short nagbabaon ng civilian clothes, kase nga ayaw nyang mag-skirt. 14 years ang age gap namen, kaya namulatan ko na talagang ganon sya. But I never asked bat sya ganon. Basta ganon na lang. Alala ko nga nung xmas, kailangan nilang magsuot ng dress. Ginawa nya sinuot lang nya yung dress for the sake of picture taking sabay hubad na. Nangangati daw sya. Cotton naman ung damit nya, wala naman ruffles at lace churva, cotton din naman ang t-shirt bat di sya na ngangati don? Pakielaman ko ba daw ang pananamit nya. Pero iba ang ate ko sa ibang tibo. Baket?

  • Ayaw nya makipagbarkada sa mga lalaki. Hmmm oo nga, kase its either babae or kapwa tomboy nya ang nakilala namen mga friends nya.
  • Samen magkakapatid sya ang pinakamalinis... sa lahat!!!! Sa paglalaba, halos mapunit na ata ung pantalon nya kaka-scrub nya, sa pagplantsa.. bawal ang gusot gusot na yan. Sa kanya ko nga nakita yung dahon ng saging, don pinapatong ung plantsa, para daw madulas, madaling plantsahin ang damit. Sya ang nagturo sken mamalantsa, pati ang tamang pagtitiklop ng damit and undies.
  • Sya ang flawless samen at may boobsie na sobra naman nyang hate kase nga kailangan nyang doblehin ang damit nya para di obvious.

Akala nga ni Nikky nung nakilala nya tibo rin ako eh... boyish lang naman. Na-challenge sya sken di nya alam eh pusong babae pa rin naman ako kaya eto arteng arte naman sya sken ngayon.. well khet noon pa man nung mag-on na kme... hahaha. Sabi pa sken ni Nikky, galit daw sya sa mga homo (di ko alam kung bket.. cguro may masamang karanasan sya don... nyahaha)... nag-worry naman ako kase nga may ate akong tibo, pero pili lang naman daw. Ok naman sila, nagbibiruan. Ayan mahaba na itong side kwento ko... eto na ung "gay essay"

Si Carol Dauden, na isang magaling aktres, at si Aiza Seguera, na mahusay na mang-aawit, ay umamin na—sila ay mga tomboy. Mukha naman silang masaya sa kanilang pag-amin. Mas naging malaya sila. Natanggap naman sila ng mga pamilya nila at mga kaibigan. Pero bakit ang mga bakla sa showbiz, isang damukal ang ayaw umamin. Yung iba, tumanda na, at yung iba naman, namatay na pero hindi umamin. Namatay nang nagtatago. Namatay nang hindi malaya. Kawawang bakla.

Sabi ng mga kaibigan kong tomboy, minsan daw, nakaka-get sila ng babaeng makaka-s*x nang hindi nila binabayaran. Para ding mga straight guys na minsan talk show
lang at isang bote ng beer, confirmed na! Yung mga baklang mukhang babae at maganda, siguro nakaka-get ng libre, pero prangkahan na, yung iba hindi. Kahit mayaman ang bakla or sikat at powerful, pay pa din. Yung iba, hindi cash. Minsan, career or trabaho. Minsan, damit or rubber shoes. Basta, may kapalit pa rin. May mga kaibigan akong nagmamaganda. Mahal daw sila ng kanilang mga straight boyfriends. I asked them, “Try niyo nga huwag bigyan ‘yan ng allowance or work, tignan ko lang kung boyfriend mo pa ‘yan.” Ayaw naman nila i-try. Kawawang bakla.

Ang dami kong kilalang tomboy na ang girlfriend babaeng totoo ‘tapos tumagal ang relasyon. Sa mga bakla, ang tumatagal lang yung bakla sa baklang relasyon. Kawawang bakla.

Lima na ang kakilala kong baklang pinatay. Yung dalawa, ka-close ko pa. Nagkaroon tuloy ng chismis na baka
may gay serial killer. Pero tomboy, walang masyadong pinapatay. Naisip ko, itong mga gay killers, they know na kaya nilang patayin ang mga kawawang bakla na biktima nila. Honestly, minsan naisip ko, kung meron kayang bakla na serial killer naman ng mga lalaki? Bongga, di ba? Pero mga salbahe lang ang pinapatay niya. Kaya lang ‘pag nahuli, kawawang bakla.

Parang boring ang kumalat na picture ng Mocha girls na naghahalikan. Pero kung member ng all-male group ang may kumalat na picture na naglalaplapan, kahit biruan lang din tulad ng sa Mocha, I’m sure-manicure
-pedicure-kulot, hanggang next year ay headline ‘yon. Pagchi-chismisan sa beauty parlor, palengke, school, opisina, prisinto, at sa batis habang naglalaba. Kasi recently ko lang nalaman, na ‘pag dalawang babae pala ang naghalikan, natuturn-on ang mga lalaki. Pero ‘pag dalawang lalaki ang naghalikan, hindi naman natuturn-on ang mga babae, worst, nandidiri sila. Biased, di ba? Kawawang bakla.

Pag ang mga lalaki nambabae, sasabihin “macho.” Pero pag namakla, “kadiri.” Kawawang bakla.

Pag ang bakla mukhang babae, maganda. Pero ang babae pag mukang bakla, pangit. Hahaha. Kawawang bakla.

Eto, talagang totoo. Pag ang baklang pa-girl malaki ang nota, alaskado siya sa mga kaibigan niyang bakla. Ang tomboy na pamin pag matambok ang pechay, kaiinggitan ng mga kaibigan niyang tomboy. Suwerteng tomboy, kawawang bakla.

Ang dami kong kaibigang Filipino-Chinese na tomboy at accepted ng family nila. Ang dami kong kaibigang Filipino-Chinese na tagong bakla. Yung iba umamin na lang noong patay na ang tatay nila. Kawawang bakla.

Pag may dumaan na bakla, sumisigaw ang mga batang kalye ng, “Bakla! Bakla!” Pero parang hindi pa ako nakarinig na sumigaw sila ng, “Tomboy! Tomboy!” Kawawang bakla.

Ang mga baklang nakadamit-babae, posibleng mabastos pag pumasok sa C.R. ng boys. Pag ang tomboy pumasok sa C.R. ng girls, okay lang na nakadamit-lalaki. Hindi kaya dahil lalaki lang ang nambabastos? Kawawang bakla.

Nabanggit ko na ito dati. Ang dami kong nakikitang tomboy na may ka-holding hands na babae. May nakita na ba kayong baklang hinolding hands ng boyfriend niya? In public, ha. Kawawang bakla.

Yung isang kaibigan kong tomboy, tuwang-tuwa daw ang tatay niyang sundalo nang malamang tomboy siya. Yung kaibigan kong bakla, binugbog ng tatay na sundalo nang malamang bakla. Kaloka. Kawawang bakla.

Pag ang anak na lalaki or babae masama ang ugali, ang tawag “black sheep.” Pag bakla ang anak na masama ang ugali, ang tawag “salot.” May kaibigan nga ako na mabait naman, salot pa din ang turing ng pamilya. Maryosep, kawawang bakla.

Kadalasan ang lalaki, kapag nakikipag-break sa girlfriend nila, kasi may ibang babae. Kapag ang lalaki, nakikipag-break sa bakla, kasi may ibang bakla or babae. Heto ang kakaiba, may kaibigan akong bakla, iniwan siya ng jowa niya kasi nag-born again. Ang say ni bakla, “Anong palagay niya sa akin, demonyo?” Kawawang bakla.

Ang batang lalaki ‘pag kumikendeng, sasabihin “bakla paglaki.” ‘Pag ang batang babae, macho kumilos, sasabihin ay “boyish” lang. Kawawang baklita.

Ang mga babae tuwang-tuwa ‘pag pumupunta sa gay bar. Ang mga bakla, kawawa sa pandidiri ‘pag pumunta sa girlie bar. Sure ako diyan. Sinama ako dati ng mga kaibigan kong lalaki, awang-awa ako sa sarili ko. Huhuhu.

Nakakatawa pero nakakasad yung joke na ito (buti na lang joke):

PARI: Ang mga bakla ay hindi makakapasok sa langit.

BAKLA: Ok lang ‘yon Father. Doon na lang kami sa Rainbow, magslide-slide.

Which made me think. Ang mga bakla lang ang makakaisip ng ganoon. Hindi na papasukin sa langit pero nakuha pang mag-taray at lumigaya sa pag-slide sa rainbow.

Dito sa Pilipinas, sa Quezon City na lang, tabi-tabi ang gay bar. Lesbian bar, may nakita ka na?

Alam niyo ba na may mga spa
at massage parlor na para lang sa mga bakla? Bongga!

Walang baklang istambay. As in pang lalaki lang ang word na ‘yan. Yun nga lang, may baklang pusher at bugaw pero may trabaho pa din. Bihira ang baklang holdaper. Yung kumukuha na lang ng hindi kanila. May na-meet na akong baklang snatcher at akyat-bahay, at least, nag-effort muna sa pagtakbo at pag-akyat. Hahaha.

Ang word na “pink peso” ay dedicated daw sa pera na kinikita at ginagastos ng mga bakla.
Madami daw bakla sa call center na pinapayagang mag-boses babae kasi boses babae talaga. I doubt kung madaming tomboy ang boses lalaki. Aminin.

May kaibigan akong tomboy na nag-commit ng suicide after iwan ng girlfriend. Ang mga bakla ‘pag iniwan ng jowa, mababaliw lang—iiyak…mag-e-emote…magkukulong sa kwarto…magluluto…magpapa-parlor…’tapos may jowa na ulit. Taray! I should know.

Mas madaming bakla ang nanalo sa mga make-up at hair style
competition. Oo naman.
Ang mga bakla, may taste. Pag sinabi naming pangit, pangit talaga ‘yon. Pero pag sinabi naming maganda, ay maganda talaga ‘yon. May kaibigan akong lalaki. May pina-date sa akin na barkada daw niyang guwapo. Sa barkada nila, ‘yon daw ang pinaka-guwapo. Nang makita ko, ang naisip ko lang, “Diyos ko po! Ano pa itsura ng pangit sa barkada nila?” May barkada naman akong babae. Pinakilala sa akin yung manliligaw niya. Super guwapo daw. Pucha, pagkakita ko, napa-C.R. ako.

Ang mga bakla, masaya kasama. Maingay, nakakatawa at hindi boring.

Come to think of it. Hindi rin pala kami masyadong kawawa. Mga bakla, tara na sa Rainbow at mag-slide-slide in this particular order:

RED- Mga baklang pa-girl, operada at mukhang babae. Go, mga sisters!

ORANGE- Mga batang bakla. Slide na, mga anak!

GREEN- Mga paminta, mukhang lalaki, members ng guys4men.com. Slide na, mga pare!

YELLOW- Mga baklang may asawa at anak. You deserved to be happy. Slide na!

VIOLET- Mga baklang bisexual, dito kayo kasi alanganing red, alanganing blue. Go!

INDIGO- Mga baklang Diva at Mama. Halina mga sisters. Mama Ricky, kapit lang po mabuti. Sunod na po ako in a while.

BLUE- Mga baklang tago at ayaw umamin, dito kayo. Kahit hindi kayo umaamin, may karapatan din kayong mag-slide sa rainbow natin. Ingat lang sa pagtili at baka mabuking. Diyan kayo sa dulo para hindi mahalata ng bayan na nakikipaglaro kayo sa amin. Don’t worry, we understand. Alam ko, kawawa din kayo. Sssshhhh….

Thursday, September 18, 2008

Tayo ay maglaro

Posted by WELLA at Thursday, September 18, 2008 0 comments

Di ako mahilig sa sports... kaya nga sa mga slam book pag may question don na "What is your favorite sport?" Either none or many to mention ang sagot ko.... hahaha. Pero mahilig ako maglaro nung bata ako... larong kalye to be exact. So ano naman ang connection non sa sports noh.. wala lang gusto ko lang i-connect. Piko, patintero, chinese garter, 10 20, pati ung jumping rope na may kanta pang "i love you teleber teleber.. touch the ground throw your shoes, turn around and go away", taguan, siato, tumbang preso (gamit ko lagi ung tsinelas ng kuya ko para mabigat, para isang shot lang taob ung lata), luksong tinik/baka, langit lupa, touch ball, monkey monkey, isama mo na ang mga laro sa kamay like sweet violet, cross mary shake, chippy chippy gum is a bubble gum, bahay kubo, nanay tatay... meron pa yung "mama mama I am sick called the doctor very quick, doctor doctor shall I die, no my darling do not cry, just count to five and say alive, one two three four five... I'm alive!" Nyetaaaaa... memorize! At talagang pati mga palabas sa tv eh meron laro jan.. like ok ka fairy ko at shaider shaider love annie! nyahahaa! Actually di lang ako sure kung meron pang mga batang naglalaro ng ganito.. meron man sympre ibang version na...

Anyway bat ba ko nagpost ng ganito... eh pano narinig ko 'tong kanta ng parokya ni edgar

Di pa ko nakontento hinanap ko pa ang lyrics:

Goto Pares Tapsilog
Kung sino mataya ay may itlog
And a rikitikitari ang kalaban ay cobra
Y…E…S… Naalis ang bra

Sak sak pusa died last night
My doggie doggie died also
Langit Lupa impyerno
im…im…impairness

Kahit maliit yung aso ko
Malaki naman yung bird
May pet na bird yung aso ko
hindi yung iniisip mo

And a ricky tiki reyes in a blue black sheep
Bakit masikip ang kanyang brip
ispell “yes!” ispell “no”!
ispell what? I don’t know!

Ami suzi en perador
kamikazee grand matador
monkey, monkey nagyosi
how many monkey did yosi?

5! 1…2…3…4…5!

So pompiang pompiang pompiangan na!
Kung sinong maalis, maalis alis!

At di pa ko nagpaawat eto pa:

Hayyyy ibang-iba na talaga ang panahon

Thursday, July 17, 2008

Modelong Charing

Posted by WELLA at Thursday, July 17, 2008 2 comments

Ok eto na po ang aking modelo...tada!!!!! eto ang back side nya...

And here's his front side... remind ko lang ung asawa ko po eh ung nasa kanan.. sya po ang model ko.. ok... thou ung nasa kaliwa eh naparami ata ng foundation, at lumagpas ang kanyang lipstick.. nyahahaa... at kaloka nakalimutan nyang magshave...

Ok eto na nga. Nikky likes to have a rakista look. He loves rock music and he's also in a band before so swak naman sa personality nya to have that kind of look. Even his hairstyle, thou I don't encourage him to have a long hair, which he agrees kase nga mahirap daw mag-ayos. So this hairstyle is just perfect for him. By the way, ngayon lang sya nagpatubo ng beard.. pero ok lang kase hanggang jan lang yan, wala ng ihahaba yan... nyahaha.. gusto pa nya eh totally balbas sarado, pero wala syang magawa kase yan lang ung spot na tumutubo... buti nga! hehehe!

Ok so kulang naman ang pagiging rakista look.. or gusgusing look, kung walang make-up... so ano ba yung kulang... black eyeliner!!! Eto ang gustong-gusto ni Nikky talaga.. talagang nagpalagay sya sken ever... at first medyo pahirapan kase nga naluluha sya... eh kung lumandi ka na ba kagad tulad ko eh di panis na rin sayo ang eyeliner... nyahaha! Sa wakas natapos na rin... tadaaaaaaa.....

Oha... smudge smudge effect pa yan courtesy of his tears... nyahahaa! Twice ko lang sya nilagyan, tapos ngayon siya na mismo ang naglalagay... kaloka! One time sabi nya sken pano raw kung bading daw sya.. sabi ko, ok lang atleast may mahihiraman na ko ng make-up... sharing!!! nyahaha! I called him Pete, sorry di ko lam lastname, basta sya ung jowa ni Ashlee Simpson. In fairness, sa eyelashes ni Nikky, natural ng curly... baka pati curlash ko eh hiramin ha, bili ka na lang heated curlash tapos pahiram ako... nyahaha! Next, black nail polish! nyahaha! Oist post ko 'to kase proud ako sa asawa ko, supportive sya sa hilig ko, kaya nakiki-join sya... nyahaha! I heart him so much talaga forever!!!!! O sya bahala na kayo... nyahaha! Have a great weekend...

Monday, July 14, 2008

Buhay pa po ako...

Posted by WELLA at Monday, July 14, 2008 4 comments

Aba di ko akalain na marami rami rin pala ang nakakamiss sken. Ano bang inaarte arte ko at ngayon lang ako nag-update ng blog ko. Actually wala rin naman talaga akong iuupdate, gusto ko lang na meron akong post for the month of July . Pero sige na nga, khet walang sense eh try ko magshare ng mga happenings sa kung ano ano man. Ok nawala lang naman ang cellphone ni Nikky, at pati na rin sa kapatid ko... mga estupido! nyahaha!!! Kaya bago cellphone ni Nikky, pero luma pa rin sken... ano ba!!!

Tapos, may bago akong hobby... hobby na naman... parang every month na lang may hobby ako... di ko man lang masyadong kinarir ung mga naging hobby ko.... like yung scrapbook ko.. ayun scrap pa rin... baking achuchu ko, ayun 1st and last cupcake ko... tapos eto na nga, make-up naman daw ang hilig ko... Well, talagang mahilig ako sa make-up, siguro naman eh halata naman sken na maarte ako, since birth marunong na ko mag-make-up... nyahaha! Naku, tanda ko non, lagi kmeng nag-aaway ng ate ko, kase pinakikielaman ko ung gamit nya. At promise, khet anong gawin kong tanggi na di ko ginalaw eh obvious na ako ang salarin, kase ang lipstick halos mapudpod ang hitsura, at mamula mula ang mata ko non kakatanggal ng eye shadow... sorry tissue lang ang gamit ko non, ayoko maghilamos eh nyahaha!

Kaya, pag minimake-upan ako, at lalagyan ako ng eyeliner sa lower eyelid ko, sisiw na lang sken.. walang teary eyes.. panis!!! So ngayon, dahil kinakarir ko nga ang make-up stuffs, aba ngyon marunong na ko mag-apply ng liquid eyeliner.. ng pantay ha! nyahaha! Dati kase nagmumukha akong zombie kase nga di pumapantay.. pero ngyon, carry ko na ang cleopatra's eye.. kabog ka jan! At ang smokey eye effect... ay di lang smoke.. flame pa! nyahaha! Masusunog ka sa mga mata ko... bwahahaha mala Celia Rodriguez na tawa yan! nyahah! Sympre, to have a good make-up, kailangan good din ang mga tools na gagamitin... like make-up brush! Im planning to buy a MAC brush set... can afford naman kaya lang I discovered na meron palang cheaper version pero same quality. Sonia Kashuk brushes... ay promiseeee.. super soft nya sa mukha...sing ganda pero di sing mahal.. nyahaha! I bought the kabuki brush for mineral powder foundation... by the way, mineral powder na ang gamit ko... at talagang maganda sya... flawless! Im using loreal, but when I read in a magazine na ang the best mineral powder is maybelline. I haven't tried it yet pero nakabili na ko. Tanga ko noh, panic buying kala mo mauubusan. Why will I buy expensive one like bare escentual which is nangangati rin akong bilin, pero kung same effect rin naman yan ng cheaper brands. Maganda naman skin ko kaya panalo pa rin! nyahaha! So ano buhay pa ba kyo? Haba ng post ko noh! nyahaha! Anyway, interested talaga ako sa mga make-up... who knows maging isa na kong beauty guru! nyahaha! So ano may tanong ba kyo? nyahahaa! Baka next post ko mga Make-up Tips 101 na... nice!!! O sya sana lang eh worth it naman ang pagbabasa nyo dito... babush!

Thursday, April 24, 2008

"What do you think would your life be if you ended up with your ex?"

Posted by WELLA at Thursday, April 24, 2008 1 comments

I found this topic in female network forum. Im not an active member pero once in a while I tried to catch up with all the topics. The latest was this one. May I answer kagad ang lola nyo.. If I ended up with my ex, malamang sa malamang tatandang dalaga ako.. nice. Eh kayo?

Another thing, selosa ka ba or isang dakilang walang pakialam? Weirdo ako eh, nung mag bf-gf pa lang kme ni Nikky, di ako nagseselos, sa tingin ko ha.. di naman sa wala akong pakialam pero ewan ko basta hindi. Pero nung engaged na kme and kinasal, eto kitang-kita ko maliwanag pa sa pinaka-maliwanag, selosa ako. Ang tanga ko noh, kung kelan kasal na kme tyaka naman ako naging selosa. Naisip ko lang, bket tyo nagseselos? Kase ayaw nten maagaw sten yung mahal nten or insecure lang sa sarili. Ako don ako sa una... hahaha defensive ako bket ba... kase wala naman dapat ika-insecure at talaga may I explain ako... basta ewan!

Thursday, April 03, 2008

Another video thats makes you say.. what the hell...

Posted by WELLA at Thursday, April 03, 2008 2 comments
Hmmm.. still alive ha ... super tamad lang ako and at the same time there's nothing to blog about... until, i watched this video from Steph.
Well this is truly crazy compared to Janina. Kung kay Janina ay nagcollapsed ako, eto nag 50/50 ako... my gulay!!

Thursday, March 13, 2008

Si Ken Lee

Posted by WELLA at Thursday, March 13, 2008 5 comments

Sino si Ken Lee? Watch this

Oha, "Without you" pala yun ni Mariah Carey. Kaloka at english daw yun...aba ang hirap imemorize ng lyrics nya ha.  Speaking of changing the lyrics, minsan tlga nag-iimbento na lang din ako ng lyrics ... hahaha... wait... di ko yan pauso ha.. i just got this from my email before, too bad ito lang ang naalala ko...

* "Are you early" - Intro of the song, Im real by J.Lo. with Ja Rule. Instead of " R U L E".

* "Mighty mouse outside Chicago" - 1st line of "Someday we'll know" by New Radicals. Instead of "90 miles outside Chicago"

* "Nothings gonna change my love for you, you know naman my love how much I love you" - chorus from Nothings gonna change my love for you. Instead of "Nothings gonna change my love for you, you ought know by now how much i love you". Atleast medyo close di ba...

Ok eto lang post ko...

By the way, for my dear friends who are tagging me, Im not making deadma your tags, kase baka isipin nyo na di ko ginagawa ung mga tag nyo sken, its just that nagawa ko na po kase yun sa mga previous post ko, pero thank you pa rin.

Tuesday, March 11, 2008

About tatto

Posted by WELLA at Tuesday, March 11, 2008 1 comments

I love watching people having a tattoo. I like watching Miami Ink, LA ink, London Ink.. lahat na ng may Ink. But I dont wanna have one. Well aside from baka pagilatan ako ng nanay at tatay ko, thou Im old enough para sa ganon eh, feeling ko kase ang duming tignan...oopppss no offense sa mga may meron ha. And I know its forever, well kung gusto mo patanggal anong ginagawa ng laser treatment. Pero papanget naman ang skin ko non. My cousin had one when he was in college, eh ung tita ko medyo may pagka-strict, when she found out na meron ung cousin ko, dali-dali silang pumunta sa derma to get rid of it. Super cute pa naman ng tattoo nya, si tazmanian. Ayan nagkaroon tuloy sya ng scar, jahe na magsleeveless. Oh my dad also have one. Guess what kung ano??? Name ng mommy ko... ang sweeeeettt Pero ung sa knya halatang nung mga teenage days pa nila... hahaha, kase kumukupas na, yung parang mga pang ex-convict na tattoo... nyahaha!

Pero si Nikky gusto nya, undecided pa nga lang sa kung anong design. Sabi ko nga ipadesign na lang nya don sa tattoo artist eh. Ayaw nya gusto nya ready na. Against ako kase nanghihinayang ako sa kutis ng asawa ko... malaporcelana... nayahhaa.. kidding aside, infairness maganda ang balat ni Nikky, eh yun pa naman ung nagustuhan ko sa kanya... and maputi pa, di pa balbon kaya ayoko. Nung sinabi naman nya na name ko naman daw ung ipapalagay... aba'y go go tayo jan... in chinese character nga lang... ayy love nya talaga ako...

Another thing kaya ayoko kase, i can no longer donate blood. Aba baka may mangailangan ng aking dugong bughaw eh sayang naman. As if naman, e may dugo pa kaya akong idodonate takot ko lang noh sa karayom. Ayun speaking of needle, isang tusok nga lang nag-eemote na ko, what more pa kyong ikaskas nya yun sa balat ko. At talagang kaskas ang word ko... nyahaha... Pero kung mag-emote naman ako hindi naman siguro ganito...

Nice one! But who knows baka one of these days magbago ang ihip ng air.

Sunday, March 09, 2008

I collapsed...

Posted by WELLA at Sunday, March 09, 2008 4 comments
I collapsed after I watched this video.
Di ko kinaya ang mga banat nya... nadehydrate ako tuloy ako. And I can't believe it na she won the Bb. Pilipinas - World. Ganyan na ba kababa ang criteria nila, or may mas grabe pang sagot ung ibang contestants na di ko alam. Nakakaloka ha, mga hirit nya parang chumichika lang ha. Ay naku, dapat super training ang gawin ng batang ito. Ok tama na, nahimasmasan na ko. Start na pla ng daylight saving so mahaba na ang araw namen, malapit na ang spring. Nagsa-start na kmeng magplano for summer. Magastos na naman ito. Sa May 16 kase punta kme ng Chicago with Nikky's friend and family. Then by April cguro Lake City or wherever. Yesterday pala, I already started driving sa highway. Oh gosh, mejo kabado ako, lalo na si Nikky, nakarating naman kme sa paroroonan namen ng buo pa. Inhale exhale... whew! Tagal din kase ako di nagdrive kaya eto nangangapa na naman ako. So far sabi naman ni Nikky eh ok na naman daw ako, kailangan ko lang tlga ng practice sa highway. Ano ba nabusinahan na nga ako eh kaya ayoko na dumaan sa highway.. nyahaha.

Tuesday, March 04, 2008

Tags and Awards

Posted by WELLA at Tuesday, March 04, 2008 0 comments

Nothing to blog about.

Here's the award from Mai and Rose respectively. Thanks a bunch girls!

This tag is from Ella

This Is My Life, Rated
Life: 8.6
Mind: 7.2
Body: 8.4
Spirit: 6.4
Friends/Family: 7.1
Love: 10
Finance: 8.4
Take the Rate My Life Quiz

Your Life Analysis:

Life: Your life rating is a score of the sum total of your life, and accounts for how satisfied, successful, balanced, capable, valuable, and happy you are. The quiz attempts to put a number on the summation of all of these things, based on your answers. Your life score is amazingly high. This means that you are in tune with your needs and on a path toward great personal fulfillment. Despite the challenges of life, you have achieved harmony and balance. Continue doing what you are doing right; do not allow yourself to slip or falter.

Mind: Your mind rating is a score of your mind's clarity, ability, and health. Higher scores indicate an advancement in knowledge, clear and capable thinking, high mental health, and pure thought free of interference. Your mind score is within a healthy zone. This means you have achieved a level of mental balance and harmony consistent with living a healthy, happy life. Continue doing what works, and keep your focus. In our fast-paced world, mental clutter is all too common. Be vigilant in maintaining healthy mental function.

Body: Your body rating measures your body's health, fitness, and general wellness. A healthy body contributes to a happy life, however many of us are lacking in this area. You have an excellent body score, which means you are incredibly focused on maintaining a healthy lifestyle. Continue in that focus, and your body will remain healthy and strong.

Spirit: Your spirit rating seeks to capture in a number that elusive quality which is found in your faith, your attitude, and your philosophy on life. A higher score indicates a greater sense of inner peace and balance. Your spirit score leaves room for improvement. Consider making a concerted effort to redefine your attitudes and focus your beliefs. Boosting your spirit will lead to greater life satisfaction.

Friends/Family: Your friends and family rating measures your relationships with those around you, and is based on how large, healthy, and dependable your social network is. Your friends and family score is quite healthy. You have a social network you can depend upon. Count your blessings, but never forget that these bonds need to be maintained. Keep your friends and family close.

Love: Your love rating is a measure of your current romantic situation. Sharing your heart with another person is one of life's most glorious, terrifying, rewarding experiences. Your love score is very high, which means you are in a very happy situation right now. Do all you can to keep it strong.

Finance: Your finance rating is a score that rates your current financial health and stability. You have a rather good financial score, which is not all that common these days. Keep doing what works. Avoid common pitfalls and save for the future. You will be glad you did.

Tuesday, January 15, 2008

Hataw ang Peso!!!!

Posted by WELLA at Tuesday, January 15, 2008 0 comments
I sent my regular remittance for my family in Pinas. And to my surprise, the exchange rate was down to 39.54 Php. Ay susmio, di ako natuwa kase it means, kailangan kong dagdagan yung padala ko. Di ako nagrereklamo kung magkano ang kailangan kong ipadala, nagrereklamo ako kase mababa na nga ang palitan, e tumataas naman ang gastusin sa Pinas. Sabi nga ng dad ko e ang gasoline na ngyon eh 45pesos per liter, so bale hanggang kanto lang yun noh. Kung ang business mo e yung mga pang exports, good news ito. Pero sa iba bad news ito at isa na ko don. Di rin naman biro ang gastusin dito anoh!

Ok maiba naman. Kwento sken ni Nikky na, he heard in the radio na somewhere in England, there's a girl and a boy who got married only to find out that they were twins. Yes, kasal na sila nung nalaman na magkapatid sila. They were separated when still a baby and adopted by different families. And because of that di pwede maging legal yung marriage nila. Ouch naman yun. Dobleng sakit, meron ka palang kapatid na kakambal mo pa and kung sino pa yung akala mo eh makakasama mo for the rest of your life, eh di pwede. Hayyyy... yan ang tinatawag na life and love. Drama!!!!!

Sunday, December 09, 2007

Sale... ughhhh

Posted by WELLA at Sunday, December 09, 2007 2 comments
Ay naku sale is everywhere.... nakakainis kase yung pambili lang ang problema eh... Imagine, every week ganito kadami yung mga catalog from different stores.

And di lang basta isang item yung sale, sometimes bundle price pa... gggrrrr... Like yung nabili kong digicam yesterday, I saw on one of these catalogs, same price with free epson 3-in- 1 printer, copier and scanner. Pwede ko na ipadala yun sa pinas eh. Sabi ko nga kay Nikky, pwede namen ibalik yung camera, kaya lang may 15% pang restocking fee, so wag na lang. Naku every weekend lagi kmeng nasa lansangan. Tingin-tingin ng mapagtripan.

Thursday, November 15, 2007

40 dumbest celebrity quotes

Posted by WELLA at Thursday, November 15, 2007 1 comments
Its a show, that features dumbest celebrity quotes. Nakakaloka talaga. Hay naku dumb talaga.

Jessica Simpson - "Is this chicken what I have, or is this fish? I know it's tuna but it says Chicken, by the Sea". "Im speechless, I'm very emotionable" (after accepting an award from I dont know)
Tara Reid - "I make Jessica Simpson look like a rock scientist"
Paris Hilton- "What's Walmart, do they sell like wall stuff?"
Kimberly Stewart - (on Jennifer Aniston) "I like her cuz she's like, homely. She must have something else going on cuz it's not like she's gorgeous or anything."
Alicia Silverstone - "I think that the film "Clueless" was very deep. I think it was deep in the way that it was very light. I think lightness has to come from a very deep place if it's true lightness."
Arnold Schwarzanegger - "I think that gay marriage is something that should be between a man and a woman."
Britney Spears - "I get to go overseas places, like Canada"
Christina Aguilera - "So, where's the Cannes Film Festival being held this year?"
R.Kelly - "All of a sudden you're like the Bin Laden of America. Osama Bin Laden is the only one who knows what I'm going through."
Brooke Shields - "Smoking kills, and if you're killed, you've lost a very important part of your life."

So ano kinaya ba ng powers mo?

Sunday, October 28, 2007

Another award

Posted by WELLA at Sunday, October 28, 2007 1 comments
Thank you Mari for this

and for everyone who always pay visits and read my daily chronicles khet some of it were nonsense. In return, I would like to pass it to Bernie.

Extra: I bought yesterday an outfit for the winter season.

So ano??? pwede na ba??

Road Trip....

Saturday, October 27, 2007

My Wishlist

Posted by WELLA at Saturday, October 27, 2007 0 comments
Hmmm... I can feel now the cooooolllllll breeze... yuhooo... Christmas just around the corner, my favorite season of the year! So sympre since its my favorite dapat masaya ako. At para maging masaya dapat meron akong something the best for myself. Ano un? Ay naku still undecided. Out na sa list ko ang laptop kase meron na ko courtesy of my husband. So bawal na ang humingi sa knya ng presence (next year na lang ulit... hehehe). So ano nga ba ang naiisip kong gift for moi.
  1. Cellphone - ayos pa naman ung phone ko (SE K600i). 1 year old pa lang naman, pero ewan ko ba dala ng inggit ko sa pinsan ko, he bought blackberry curve parang gusto ko na rin. Either curve or 8800 series. When Im searching the net, I found this Nokia Smartphone N95, and goodluck naman sken kase it cost $649 something. Nice din yung Prada LG fone. Ay naman!!!!
  2. Digital Cam - as usual ok pa rin naman ung digicam ko, pero ewan ko ba parang wala akong gastos at gusto ko magbibili ng magbibili. Well, kaya ko rin naman gusto bumili para ung luma bigay ko na lang sa sister ko sa Pinas. Ang bad ko gift sken yun ni Nikky... hehehe... napag-uusapan naman yun.. hehehe. Kung mapera lang ako gusto ko sana ung pang pro na camera... nagfifiling akong pro eh... hehehe.
  3. Bag - simula ng dumating ako dito e wala pa kong nabibiling bag kase ung mga fave bags ko from Pinas e bitbit ko dito. So I'm thinking to buy a new Coach bag, cheaper than the above 2.

Sympre di pa nagtatapos 'to... sa mga susunod ng mga araw eh for sure may additional na naman sa list ko.

Sunday, October 21, 2007

My Alphabet.. missing letter "F"

Posted by WELLA at Sunday, October 21, 2007 0 comments
Tagged by Thet

Instructions: Each player starts with 7 random habits/facts about themselves. People who are tagged need to write on their own blog about their seven things, as well as these rules. At the end of your blog, you need to choose 7 people to get tagged and list their names. Don’t forget to leave them a comment telling them that they have been tagged and to read your blog!

Seven Facts about me: (1) Always 1st impression sken.... mataray. (2) Pintasera (3) Madaldal, na di nauubusan ng kwento (4) Friendly (don lang sa mga feel kong ifriends... hehehe) (5) Love to watch reality shows (6) Di mahilig sa sports (7) Puro kaartehan ang gusto.

A - Age: 26 turning 27 on December
B - Band Listening To Right Now: Matchbox 20
C - Career: Systems Operator
D - Drink or Smoke: Drink (pag gimik time lang)
E - Easiest Friends To Talk To: Tropa ko sa Pinas
G - Gummy Bears or Gummy Worms: Di ako mahilig sa gummy
H - Have a Boyfriend: 2 years ago...
I - In love: Im inlove with my dear husband... ahihihihihihi
J- Junk Food You Like: Pringles, Doritos (cheese flavor), Cheetos. Basta cheese flavor lahat gusto ko.
K - Kids: coming soon...ay next attraction pala.. ahehehe
L - Longest Ride Ever: Manila to Baguio... puyat pa ko non!
N - Names For Your Future Kids: Drex Louisse Reyes Ruazol(boy) Lynn Dayle Reyes Ruazol (girl)
O - One Wish You Have Now: buy a new house
P - Phobias: mouse!!!
Q - Favorite Quote: Life is short so enjoy it!
R - Reasons To Smile: payday! hehehe!
S - Sleeping Hours: 12mn
T - Time You Woke Up: 10am
U - Unknown Fact About You: Wala akong maisip... kaya unknown... hehehehe
V - Vegetable You Hate: Okra!!!!!!!!!
W - Worst Habit: Lagi akong nakasigaw khet di ako galit...
X - X-rays You’ve Had: Chest
Y -Yummy Foods: Basta ok ang lasa, yummy na sken
Z - Zodiac Sign: Capricorn

Now Im tagging everybody!!!! Sorry wala akong maisip kung sino tag ko....

Sunday, October 07, 2007

Saturday Night

Posted by WELLA at Sunday, October 07, 2007 0 comments
Our friend invited us to watch with them the match of Pacquiao and Barrera in pay-per-view at their place last night. We really had a great time. But aside from that I won 45 bucks in our bet. Its a draw lots from numbers 0 to 12. That numbers are the round numbers. I got O, meaning an anonymous decision. So I got the money.... hehehe.

That afternoon, we watched "The Kingdom". The movie was good. Nakakatakot nga lang kase yung mga scenes, talagang nangyayari in reality.

Yun lang...

Just a thought Copyright © 2009 Girl Music is Designed by Ipietoon Sponsored by Emocutez