
Since meron na kmeng bahay, babymaking naman ang priority namen. Na-realize ko na mahirap pala gumawa ng bata. I thought madali, kase ung mga friends ko mahagisan lang ng brief ng mga jowa nila, bumubukol na ang tyan. Eh ako khet pants with matching belt, wala pa rin. Im trying to stay relax as much as possible. Kase nga ang stress eh malaking factor para maloloka ang hormones. So kailangan ng stress release aside from shopping, dahil lalo lang ako masstress sa credit card bills. Exercise!!!
Actually meron kmeng mini gym kuno sa basement, ayon naka tiwangwang lang ung 2lbs dumbells ko.. hahaha! Ay naku starting tomorrow, itaga nyo sa bato, gigising ako ng maaga,
kase maga na talaga ang buong katawan ko.. manas na nga tawag sken ng asawa ko eh... Hopefully sa next post ko eh ung picture na ng bahay namen... ayoko ipost ng kulang kulang eh... babush!