Tagged by Irel
The face behind this blog... hanep sa picture, all smile! hehehe. Ok let's talk all about me.
My nickname is Wella, but my ate's calls me Weng, my friends naman sometimes calls me Wells, Wewe, Wellapot and my only tita calls me Lowel. To be honest, I don't like my name pero I don't hate it either. Wala lang feeling ko lang. If I'm given the chance to change my name, I want Trixie, bitch na bitch ang dating... hehehe. Sabi ng mom ko, di naman daw Lowela dapat ang name ko, it should be Leilani or Liezel. E si lola ko (mom of my dad), naging kontrabida sa mga panahon na yun at may I suggested na "Lowela". And sabi pa ng mom ko, di daw dapat ganon yung spelling non, dapat "Louella". Ang may sala.... ang nurse! Unconscious pa siguro ang mom ko non at di nasabi yung correct spelling for my name kaya si nurse nagmarunong at yun ang ginawa sa birth certificate ko.. well pronounced di ba. Ni let go na lang ng mom ko para di na magulo.
Among the 5 kids, ako lang daw ang naka-experience ng may yaya. My mom was so busy that time sa aming family business (small restaurant). Pero nung 2 years old na ko, di na ko nagyaya coz we transferred to another place and gave up the resto. Lumaki ako sa palo ng tsinelas kase ubod ako ng tigas ng ulo... pasaway na bata in short. Pero di ko naman masasabi na bratinella ako. In a way, proud ako sa sarili ko kase never ako gumawa ng something na ikakasakit ng ulo ng parents ko. Actually takot ako sa kuya ko kesa sa dad ko. Kase ang dad ko less talk sya... kya feeling ko ok lang... pero pag nagsalita na sya, tagus tagusan, makakarinig ka na ng mga words na sasabihin mo sa sarili mo na sana bingi ka na lang... hehehe...
Speaking of takot, I must say na masyado akong matatakutin. Bihira ako manood ng mga suspense movies, yun e yung mga sapilitang manood para wag masabihan na KJ (kulang sa joy). Takot ako sa multo, and sa daga.. basta any forms ng rats (rabbit, hamster, guinea pig, white mouse).
I love sour and salty foods. I don't have a sweet tooth, mana ako sa mommy ko. Di rin ako nakain ng mga spicy foods kaya di ako pwede sa Thailand. I don't eat chocolates with nuts and peanut butter. Siguro yung with nuts, toblerone lang. When it comes to cake, red ribbon products lang. Kase not too sweet yung cakes nila... and from casa bravo ba yun... basta yun na yun. I'm not an experimental person na lahat ittry na kainin, basta kung sa paningin ko eh di na masarap, I won't dare to eat it.
In music naman, I had no particular genre. Anything goes, old or new music, ok lang. Siguro depende na rin sa trip ko, but usually I listened to RnB, Trance or House party music. Just to lighten up my mood. I remembered my friend asked me what will be my funeral song, I said I want "Passenger Seat by Stephen Speaks". Why? I don't know, I just like the song.
I want everything in organize, but Im not OC, siguro metikolosa lang. Sobrang arte ko lang siguro na kala ng mommy ko e super gulo ng room ko kase nga madami akong abubot. These abubots are my collections. When I was in my grade school years, I collect stationeries with or without scents na super exchange pa with my friends na ginawa ko na rin business. Lagi ako nagpapabili sa mommy ko non, ung may kasama pang envelope. Tapos ibebenta ko ng piso pag may envelope, 50cents pag wala. Tapos lagi akong nagtitira ng isang piraso for me. Nung highschool naman ako, archie comics naman, until now naiwan ko nga lang sa Pinas. Then I started collecting watches, sympre may sponsor ako ng watch ko.. my kuya..hehehe. I had benetton, swatch, pop swatch, esprit, bubble watch ng sesame street, boy london, pati smiley watches. Different colors and style. But now, 3 watches na lang ginagamit ko. Nung nagstart na ko magwork, sympre can afford na ko, shoes and bags naman. Taka nga ako e di ako mahilig sa clothes.
Im not an ambitious person, actually nung bata ako di ko nga alam kung ano ambition ko eh. I just want to be successful in whatever Im in and in the future.
So thats it!
2 comments on "The Face Behind this Blog"
LOL lagi na lang sa nurse ang sisi ng alling spelling ng name...
ung isa kong QA, she was supposed to be named as Haidee. But the nurse wrote was HIdie. Nyak!
salamat at nagustuhan mo ang toblerone. www.toblerone.com.ph
Post a Comment