Nainis ako kase, if you remember I posted not so long ago about my problem with the other tenants here, specifically in using the washer & dryer. It happens again. Just to let you know, inoorasan ko ang labada ko, 45 minutes sa washer then an hour sa dryer kase gusto ko ifold kagad then lagay sa cabinet. Ang alam ko ako lang ang naglalaba that time, kase all washers are empty. So after wash, nilagay ko na sa dryer. Time to pick up our clothes. Before I entered the laundry room, I heard the machine is still on. So pumasok ako and I saw the machine sa taas (2 machines ang magkapatong), umaandar pa rin, and yung machine sa baba naka-stop na (I used to machine kase small capacity lang). Until I saw our dry clothes na nasa countertop na. Pucha naman!!!!! Mga walang modo!!!! Sa lahat ng ayoko yung pakikielaman ung gamit ko especially di ko naman alam kung malinis ba yong pinagpatungan na yun. And to think meron namang bakanteng dryer... jusko naman nagtipid pa sa 25 cents. Bwisit talaga. Ako as much as possible nagtitimpi lang ako, pero kung umandar ang pagiging mahadera at demonyita ko, bubuksan ko ung dryer, ilalabas ung mga damit nila sabay sarado ng dryer, hanggang sa matapos umandar para pagbalik nila hindi natuyo ung damit nila then maghuhulog sila ulit ng 75cents para matuyo ung damit nila, para lalo silang napagastos. Kaasar! Sabi nga ni Nikky bat ko raw di nagawa, kase sabi ko may tinatawag na Karma. Pero I'll report that to our apartment manager and tell her na twice na nangyayari sken yun and suggest na gawin na ring $1 lahat ng machine para walang gulo.
On the lighter side, kinalkal ko ung wallet ni Nikky. Nagpaalam naman ako . May hinahanap kase akong old picture ko, then I found this small paper, medyo gutay gutay pa. When I read whats written there, super natawa talaga ko. E pano nakalagay ba naman ung name ng parents ko. Lalo na ung maiden name ng nanay ko. Ay kaloka talaga. Sabi ni Nikky para daw pag nag-usap kme sa phone, pag tinanong ko sya alam nya. Bobo kase si Nikky when it comes to memorizing names. 5 kmeng magkakapatid, 11 years na kmeng magkakilala, ngyon lang sya nafafamiliarize sa mga names. 1 week kme sa New Jersey with my tita. Pag nagkukuwento ako about sa tita kong yun, sino daw yun... baliw talaga. Minsan may instances na, pag nakita namen sa mall ung kakilala nya, di mo na sya magpapakita kase inaalala nya ung name... may sanib!
May mga tao talagang mahina sa names, pero minsan inaaway ko talaga si Nikky kase feeling ko hindi sya interested sa mga kinukuwento ko about my friends, na di nya inaalala. Kaya nga ako paulit ulit akong magkwento about them para tumatak sa kokote nya.