I became more interested with the stories of Filipinos working and living abroad, now that Im one of them. I found this article in GMA website.
Totoong buhay ng Pinoy sa Amerika
02/01/2008 | 05:48 PM
HAY BUHAY AMERICA TALAGA
A friend named "Maeng Ni" posted this. and dinag dagan ni "Li2 B"...
Lahat ng sinabi niya nakakatuwa at totoo.
Akala ng mga tao na nasa Pilipinas, kapag nasa America ka akala nila marami kang pera. Ang totoo, marami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kasi pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga Kano . Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.
Akala nila mayaman ka na kasi may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America.
Akala nila masarap ang buhay dito sa America. Ang totoo, puro ka trabaho kasi pag 'di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kasi busy din sila
maghanap-buhay pangbayad ng bills nila.
Akala nila masaya ka kasi nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kasi nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong
pinangbayad sa ticket.
Akala nila malaki na ang kinikita mo kasi dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pag pinalit mo ng peso, pero dolyar din ang gastos mo sa America. Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin.
Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America, ang isang pakete ng sigarilyo sa Pilipinas P40.00 , sa America $ 6.50. Ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000++.
Akala nila buhay milyonaryo ka na kasi ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo.
Maraming naghahangad na makarating sa America. Lalo na mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pagdating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng America.
Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.
Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang
mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas.
Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan at karagdagang kaalaman sa mga naiwan naming mahal na mga kamag anak at kaibigan na hindi alam o naiintindihan ang totoong kalagayan ng karamihan ng mga kababayan natin dito, na ang iba sa amin ay nakaranas ng pang aabuso at kawalanghiyaan ng mga sariling kamag-anak na kung saan na dapat silang mga nauna dito sa America ang tutulong sa mga bagong salta.
Isa na ako at ang buong pamilya ko na pinitisyon ng mahal kong yumaong ama. na ang sarili kong nakakabatang kapatid na naunang makarating dito sa America na inaasahan ko at ng aking pamilya na tutulong sa amin sa mga bagay-bagay na dapat at hindi dapat gawain dito sa America, at sa halip, s'ya pa ang nagpahirap sa amin dito na halos maisipan ko na bumalik na lang sa Pinas.
Kung idedetalye ko ang lahat lahat ng paghihirap ko sa kamay ng sarili kong kamag-anak (kapatid) dito sa America, siguro lahat ng masasamang salita sa languwahe natin e, mabibigkas n'yo sa kanya.
Sana naman 'yung mga kababayan namin na naiwan d'yan sa Pinas, Huwag naman sana kaming pag-isipan na hindi na kami nakakaalala sa kanila o pinabayan na namin sila at kami dito ay nag papakasasa sa dolyar at karangyaan.
Marami ding naging successful dito sa America. Pero sana ISIPIN DIN N'YO NA MARAMI DIN DITO NA HINDI RIN NAGING SUCCESSFUL SA BUHAY. Mas maraming malungkot na pamilya dito dahil sa malayo sa mga mahal sa buhay at nagsisi sa pagpunta dito.
Nakakalungkot isipin ang mga media, mas binibigyan ng pansin ibalita sa mga kababayan natin d'yan sa Pinas ang mga nagiging sikat na Pinoy dito. Mas matimbang sa kanila ang ibalita sa inyo ang mga magagandang aspeto dito sa America.
Sana maging patas sila sa paghahatid ng mga katotohanan sa kalagayan ng mga Pinoy dito sa America. Kayong mga higanteng mamamahayag sa Pinas, tinutukoy ko ang ABS-CBN at GMA. Hinahamon ko kayo na patunayan ninyo ang mga palagiang patalastas ninyo na patas kayo sa pamamahayag ninyo lalong lalo na sa katotohanan.
"Ewan ko..!!!!" Noon, Gobyerno, Politika at Batas natin ang madalas na napipintasan.. Pero ngayon iba na.. Merong pagbabago, ano ito? Hindi lang Gobyerno, Politika at Batas. Pati ang Media ng Pinas ngayon ay napipintasan na rin.
Dahil sa mga palpak at walang kabagay-bagay na balita. O, at least me-pagbabago, 'di ba?
Anong pakialam namin sa mga rating n'yo. 'Di ba pera-pera lang 'yan . Ang pagtuunan n'yo ng pansin 'yung mga taong naaaragabyado ng ibang tao at GOBYERNO natin... Sana lahat kayo kunin na ni LORD...!!!!
Galinggan n'yo ang pag-survey dito sa America tungkol sa katotohanang kalagayan ng mga kababayan natin.
Manny Buenafe
I can't agree more.