Im celebrating halloween here at work. First time kung magtrabaho today. Ang masaklap eh Im scheduled to do the nightly task. And because nasa ibang lupalop na ko ng earth, maiiba na rin how I celebrate All Saint's and Soul's day.
Aside from laging walang pasok, e mga happenings din naman ang namimiss ko. When I was a kid, I remember before Nov. 1, pupunta na kme sa bahay ng tita ko sa Taguig. That time ang patay pa lang smen non e tiyuhin at tiyahin ng mommy ko and pati lolo't lola nila. Eto yung mga moments namen magpipinsan, takutan! Sympre sa mga panahon na 'to, almost scary movies ang mapapanood. Nasa iisang room lang kme non, para kmeng timang na nagsisiksikan while watching Magandang Gabi Bayan. Oh yes! patok na patok smen 'to. Sobrang sigawan, gulatan ang mga kaganapan sa mga oras na yun. Na halos ayaw mo ng lumabas ng kwarto khet ihing-ihi ka na dahil for sure pagtritripan ka. Kailangan may buddy ka paglumabas ka ng room. Di pa natatapos yan, bago matulog pagkwekwentuhan pa yung napanood namen. Bket ganon noh, napanood na nga ng sabay-sabay, pag-uusapan pa. Hanggang sa may sisigaw ng tama na yan matulog na.
Ok, the next day, parang may picnic. Big umbrella, tupperwares, junk foods, blanket, candles and flowers. Ang destination? Public cemetery. Khet sobrang sikip, init, eh ok naman kase aside from na parang family reunion na rin 'to, na halos mapagod ako kakamano, eh eto rin yung magandang opportunity na makakakita ka ng "cute boy cute boy.. alert mga harot!".. bwahahaha! At di mawawala ang mga pagkaing kalye. Khet may baon kmeng food, trip ko pa rin kumain ng mga ganon. Manggang nasa stick, fishballs, scramble (color pink with brown cow choco syrup), ice buko, ice candy, popcorn na color pink etc. Dahil nakakainip sa sementeryo, gumagawa na lng kme ng candle balls. Palakihaan ng size, halos mapaso na kamay ko, agawan, intayan sa pagpatak ng kandila... hahaha. Tapos iuuwi ko pa un sa bahay namen, at ididisplay ko pa. Ang ending, tinatapon lang ng nanay ko.
Just 3(?) years ago, my lola passed away kaya di na kme don sa public cemetery nagpupunta. Sa memorial park na. Sosyal na kame... hehehe. Since bago pa lang ung memorial park na yun, konti pa lang ang mga tenants don. Kaya oct. 31 pa lang nandon na kme and overnight stay kme don. Ok din yung park na yun kase meron silang halloween party for kids, pwede pa magpa-face paint.
So cguro by next year, eh pwede na ko maki-trick or treat dito. Feel ko kaya bumili ng costume... I can be devilish girl.. para wala ng ka-effort effort. Bwahahaha (mala Celia Rodriguez laugh)
Good times together
16 years ago