Purong tagalog ang gagamitin ko kase mahirap na, may mga bisita ako mula sa kalawakan.
Sa aking 3 buwan na papamalagi dito (kung nasan man ako), marami na rin akong nakita na kaibahan ng Pinoy sa mga banyaga. Hindi man ganon kalalim, di rin naman ganon kababaw... kuha mo? tae (
shit) nakakagago ung pinagsasabi ko...
Paalala: Ito ay base lamang sa aking obserbasyon.
* Masipag ang Pinoy, dahil sa kanilang sipag at tyaga, karamihan sa kanila ay nasa iba'-ibang parte na ng mundo.
* Halos lahat ng Pinoy ay nagsusumikap makapagtapos ng pag-aaral para makakuha ng magandang trabaho. Dito, khet high school graduate ay pwede na.
* Mas malinis at maayos magsulat ang mga Pinoy. Isama mo na ang spelling.
* Pagdating sa trabaho, maganda ang training ng Pinoy. Binibigyan talaga ng panahon.
* Pag break time, parang wala lang. May kanya-kanyang mundo... tahimik pa rin. Di katulad sa Pilipinas, pag break time.. riot! Chika dito, chika doon.
* Di marunong mag-alok. Madamot?? ewan ko lang. Di tulad ng pinoy khet kinagatan na e aalukin ka pa rin.
.................................................
* Sila naman ay masyadong palabati. Khet di mo kilala, ngingitian ka nila at babatiin na "
Hi, How are you? Have a great day". Pag sa Pilipinas mo ginawa yun, iirapan ka at sasabihan na "sino ka?"
* Mapagbigay sila sa mga salitang
"Thank you & Welcome". Sa Pilipinas, minsan ok lang ang sasabihin o ngingiti o minsan NR (no reaction).
* Sa restaurant naman e masyado silang maasikaso.. talagang customer service. Miya't-miya e pupuntahan ung mesa mo kung may kailangan ka o tinatanong kung kamusta naman ung pagkain o kung magkano ung tip mo sken.. joke!
* Disiplinado sila. Talagang nasunod sila sa batas. Sa Pilipinas, makikipag-away pa sa mga pulis.
* Bawal dito ang
discrimination (lahi, edad, kasarian, may kapansanan). Nasa batas nila yon. Sa Pilipinas, wala lang... paki ko.. lait kung lait!
Wala naman akong reklamo sa kung ano pa man. Nandito ako sa bansa nila, kailangan kong tanggapin kung ano meron sila. Sa totoo lang wala naman kakwenta-kwenta 'to eh. May mailagay lang dito para masaya!